Home
keyboard is mightier than the pen
 
[Most Recent Entries] [Calendar View] [Friends]

Below are the 10 most recent journal entries recorded in truth_about_ink's LiveJournal:

    Sunday, October 24th, 2004
    12:12 pm
    i tried it to friendster
    wala lang.. i juz wanna find out if this one works.

    :P

    Current Mood: wala lang
    Friday, July 9th, 2004
    3:41 pm
    ang mga nota ek ek
    5:30 ng umaga
    Gumising ako mula sa 4 hours ng pagkakatulog.

    Nasa kwarto ako at binuksan ang radyo.

    “Sana’y wala ng wakas
    Kung pag ibig ay wagas
    Paglalambing sa iyong piling
    Ay ligayang walang kahambing..lalala”

    Pag naririnig ko ang kantang ‘to, feeling ko eh isa akong character sa napakagandang love story. Napakamagical ng paligid. Yung puso ko lumalakas ang tibok. Yung balahibo ko tumatayo. Lalo na kapag yung pinakamataas na nota na ang kinakanta “DI LAMANG ANG BUHAYYYY KO… DI LAMANG PAG IBIG KOOOO…” (Kahit paos si Sharon Cuneta.. shit… ang ganda pa rin!)

    Haay, bigla ko na lang maiisip ang mga past relastionships ko, na sana they have worked out right, na sana napakaromantic ng buhay ko ngayon. Shet.

    Pagkatapos ng kanta,
    Makakalimutan ko na ulit.


    Tapos, pag binuksan mo naman ang TV,

    MYX Channel.

    “This is the mooooooomentttttttt… my FINAL Tttteesssst!!!
    … I won’t look down, I will always recall… moment for moment.. the sweetest moment.. the greatest moment of them OOOOOWWLLL”

    Ilang beses ng kinakanta ni Erik Santos. Pero masarap pa ring pakinggan. Nagbago na naman ang feeling ko ngayon. Hinipan ako ng hangin.

    Hay. Naging ambisyoso naman ako. Iniisip ko naman na sana matupad na ang mga pangarap ko sa buhay. Yung sa bawat nota eh tumatalon ang kaluluwa ko. Naiisip kong yumaman. Naiisip kong maging artista. Naiisip kong maging summa cum laude. Naiisip kong mag around the world. Naiisip kong maging star in a million. (Nyek!)

    In short, na iinspire ako sa mga ilusyon ko sa buhay.

    Maliligo ako, kakain. Aalis.

    Tapos pag sumakay ka sa BUS, yung tipong mabagal ang takbo ng umaga, malamig ang hangin, konti lang ang tao.

    Bigla na lang bibirit sa radyo ang Side A.

    “You are just a dream that I once knew…
    I never thought I could be right for you….
    I just can’t compare you with anything in this world….
    As endless as forever…
    Our love will stay together
    You are all I need to be with forevermore…..”

    Hay. Mag isa lang akong naka upo sa bus. Sila may mga kasama. “All by Myself” ang drama ng lolo mo. Ang lungkot ng simula ng araw.
    To the nth time, papasok na naman ako sa school. Uupo sa classroom, makikinig sa prof, uuwi, matutulog. Paulit ulit.
    Napaka monotonous ng buhay.
    Napaka boring.
    Napaka dull.
    At single pa rin ako.
    Single… always single….


    “Tuesday… babae ka ba talaga?”
    “Babae po ako… lalalalalala”
    “Di ako bakla, babakla bakla.. di ako shokla.. kla kla kla kla kla…”
    “Girlaloo. Girlaloo.. Girlalooo laloo laloo…”


    Ay punyeta! Nag ddrama ako sa buhay tapos biglang kakana ng ganyan kanta!
    Panira sa scene!
    Shet… para akong binuhusan ng malamig na tubig. Di ko mapigilan ang sarili ko sa pagtawa. Gusto kong humalakhak kaso baka sabihin ng mga tao na baliw ako.


    Pero di ba may mga times na ganyan? Nagddrama ka sa buhay tapos bigla na lang may istorbong dadating at pipigil sayo?

    Yung parang bida ka sa soap opera tapos magiging comedy show?

    Haayy….
    Wala lang.
    Tuesday, May 18th, 2004
    2:16 pm
    the american nightmare
    PASSPORT? VISA? EMBASSY? Sa inyo na!

    Sabi ng nanay ko, mag Nursing na lang daw ako para makapag-states ako agad. Nyakkk!!! At baket? Anong gagawin ko sa abroad? Sumama sa libo libong Pilipinong hayok na hayok sa “ American Dream”?

    No way, highway. Hindi naman ako masyadong nationalistic, pero ayoko talaga magsilbi sa mga foreigners. Ano ako, alila? Duh… kung ginhawa lang ang hanap nila eh ang dali dali namang makahanap dito. Kaya kong ihaon sa hirap ang pamilya ko dito sa Pilipinas. Ang hirap kasi sa ibang tao, gusto palagi ng shortcut. Gusto ng instant wealth. Yung easy money ba. As if naman dolyares lang ang sagot sa lahat.

    Alam ninyo kung ano ang problema natin? Isa tayong bansang todo sa pagka-colonial. Meron tayong highest level ng pagka-social climber. Pag artista dito sa atin, ‘baduy’ at ‘bakya’ ang tawag natin. Pero pag Hollywood na ang pinag uusapan, eh feeling mo sosyal ka na. Gusto mo si Jim Carrey above William Martinez kahit magkamukha naman sila. Gusto mo laging imported ang suot mo. Napakayabang mo pag naka Mossimo o Guess? shirt ka, at kapag naman Blue Corner o Lasavoy ang suot mo eh hiyang hiya ka.


    Para sa isang Pinoy na walang pakialam sa Philippine History at Economics, ang Amerika ang pinakamagandang bansang alam niya. Ito ang itinuturing niyang ‘paraiso’ ng kanyang mga pangarap. Sozy ka pag Americanized ka. Feeling niya kasi ay ‘close’ sila kasi minsan nang nasakop ng Amerika ang bansang ito. Feeling niya, sa Amerika siya magkakaroon ng maraming salapi, sa Amerika siya yayaman, sa Amerika siya magtatagumpay, sa Amerika siya liligaya.

    “Kailangan tayong makisabay sa Globalization.” Asar na asar ako sa tuwing maririnig ko ‘yan sa TV o mababasa ko sa dyaryo. Parang ginawa lang sweet ang pangungusap na “Magpaka-alila pa tayo sa Amerika”

    Hindi ako spokeperson ng Bayan Muna. Pero alam ko kung bakit naghihimutok sila sa U.S. Embassy araw araw.

    Ang hangarin kasi ng globalization, eh maging internationalized ang lahat ng mga kompanya at business firms. Ibig sabihin, kailangang sumunod ito sa Capitalist standards ng superpower countries gaya ng Amerika at Britanya. At sa madaling salita, kailangang i-privitize, i-liberalize at i-deregulate ang ekonomiya.

    Dahil nga napakayaman ng Amerika, eh sobra sobra ang mga produko na ginagawa nila. Syempre, kailangang may pagtapunan sila ng mga produkto para kumita pa sila at magpaka-rich (malulugi sila nyan!). Ano ngayon ang gagawin nila? Itatambak nila lahat ng sobra nilang produksyon sa mga naghihingalong bansa kagaya ng ‘Pinas. Syempre dapat lang na may pambayad tayo. At ang pambayad natin eh yung pinaghirapan nating mga crops na kulang pa nga kung tutuusin para sa atin.

    Ang tanong: Eh paano kung tumanggi tayo sa Amerika sa pagtanggap ng surplus? Simple lang, eh di magtatampo sila sa atin. Mga 60% percent lang naman ng investors ng Pilipinas ay US-based. Ang konti no? Eh di pag nag-maasim tayo, todas tayo. Wag kang aangal. “Third World” country ka ‘lang’!

    Yun ang hirap. Hawak nila tayo sa leeg.

    Pero ang mga Pinoy na walang pakialam? Ayun, hayok na hayok sa mga surplus na imported. “Uuyy, Nike rubber shoes!” “Uuyyy, Spam!” “Uuyyy Calvin Klein!”

    At ngayon eto, hindi lang produkto ang gustong makuha sa atin, TAYO na mismo! Yung mga matatalinong nurses at teachers, magagaling na doctor, topnotcher na engineers at computer experts, nag-iimpake araw araw papuntang abroad! Hindi ka na magtataka kung isang araw ay magising ka sa ‘Pinas at puro bobo na lang ang mga tao. Ubos na ang lahat ng may utak!

    Kaya ako, kahit sa simple kong paraan eh ‘gumaganti’ ako sa mga ‘first world’ countries na ‘yan. Yung kahit ako man lang eh hindi nila kayang sakupin. Hindi man ako makalanghap ng ginhawa sa ibang bansa, magiging masaya akong lasapin ang grasya ng Pilipinas dahil sa akin ‘to, bayan ko ‘to at love ko ‘to.

    #riyel.
    Saturday, May 15th, 2004
    11:59 am
    frustrations of a psycho
    Frustrated ako. Frustrated ka rin ba?

    Marami akong pangarap. Maging commercial model. Ma-interview si Lea Salonga. Mag-concert na may accompaniment ng 1000-piece orchestra. Ma-meet si Miriam Defensor Santiago. Maging host ng talk show sa channel 2.

    Ang problema, mananatiling hanggang pangarap na lang yata ang lahat. Eh sino ba naman ako para pagbigyan ng mundo sa kahilingan ko? Hindi naman ako si Alladin na may mahiwagang lampara. Hindi rin ako sa Cinderella na may fairy god mother. At lalong hindi ako si Nobita na may magic Doraemon. Sa madaling salita, mahirap abutin ang mga gusto ko. Kung magkataon man, hindi lahat, at siguradong milagro ang kailangan bago ko marating ang may ‘yun.

    Oo nga naman. ‘Pag may pangarap ka, dalawa lang naman ang pwede mong pagpilian: Ang mag-exert ng sangkaterbang effort para matupad ang wish mo o kaya’y mag-daydreaming ka habang buhay.

    Pag may sinasagutan akong slum note, naiinis ako kapag may naka-indicate na “WHAT ARE YOUR TALENTS?” Ewan ko ba, wala akong maisip. Tiningnan ko yung mga answers ng iba: Singing. Dancing. Acting. Playing the guitar. Playing the piano. Ngeeee!!! Naaasar ako. Singing? Eh paos ang boses ko. Dancing? Mas magagaling pa ang mga bibe. Acting? Hindi rin. Maracas lang ang kaya kong tugtugin.

    Ang alam ko lang, eh lagi akong nasa honor roll. Hindi ko alam kung talent yun. What are your talents? Tapos ang isusulat mo eh: solving math equations, memorizing notes and getting 20 over 20 in all the quizzes.

    Pero siguro, ganun nga talaga. Kung ano yung gusto mo, yun ang hindi mo maabot. Kung ano ang meron ka, hindi ka makuntento. Kahit ilang beses kang magbasa ng Chicken soup for the Soul eh walang epekto. Magkakaroon ka pa rin ng strong desire sa mga bagay na mahirap kunin. Oo, gusto ko ang pagiging matalino. Pero mas gugustuhin ko kung magiging 6’0 ang height ko ako, mas gugustuhin kong maging super dooper goodlooking ako. Kasi nga pangarap ko ngang maging modelo. Pangarap kong ilawan ng spotlight at camera. Pangarap kong makarating sa limelite.

    Sino bang nagsabi na just ang buhay? If life is fair, sana walang pinanganak na maganda-na-mayaman-pa-mabait-na-matalino-pa. If life is fair, sana hindi pinagkakasya ng mahihirap ang singkwenta pesos sa isang araw samantalang pambili lang ito ng espresso cappuccino ng mga mayayaman sa Starbucks o Seattle. If life is fair, bakit nag eexists si Donita Rose?

    Sabi nila, “Be contented with what you have.” Oo, tama sila, maging kuntento nga naman tayo sa mga bagay na meron tayo. Kung may Nokia 3210 ka, wag ka nang tumingin pa sa Nokia 6600. Kung Pentium 2 ang PC mo, wag ka nang tumingin pa sa tindahan ng Pentium 5. Hindi naman masamang mangarap. Ang masama dun eh kung ang dahilan ng pangarap mo ay inggit lang, kasi gusto mong magkaroon ng mga bagay na meron ang iba.

    “Be contented with what you have, but don’t be contented with what you are.” Yayakapin ko ang writer na nagdugtong sa naunang quotation. Napakagaling niya. Maging kuntento ka sa mga bagay na meron ka, ngunit wag kang makunteto sa kung ano ka. Bakit nga ba kasi tayo patuloy na nabubuhay? Kasi, patuloy tayong umaasa. Patuloy ang “Pag-asa” sa pag-iinspire sa atin na ipagpatuloy ang pag-ikot ng mundo.

    Sabi nga sa isang kanta “Nang dahil sa’yo… ako’y nabuhay..” Ganito din siguro ang tingin natin sa bawat pangarap. Dreams are the reason why we live. Ito ang nagpapa-motivate sa atin para kumilos tayo. Kaya nga siguro mahirap abutin ang mga pangarap. Kasi pag natupad mo na, magiging magulo ka na. Hindi mo na alam ang susunod na gagawin mo sa buhay mo kasi nga nakamit mo na yung inaasam-asam mo.

    Pero kahit pessimistic ako sa pag-abot ng mga pangarap ko, laging may nagpapakita sa akin na maging positive minded, na may ‘hope’ na someday, matutupad din ang lahat. “Inspiration” kumbaga. Laking pasasalamat ko sa Pandorra’s box sa consolation na ito. Salamat din kay William Hung. Salamat kay Marc Logan. Salamat sa lalakeng sumasayaw sa commercial ad ng Nescafe Ice. Salamat kay Jasmine Trias at kay Lea Salonga. Sila ang nag-uuplift ng spirits ko.

    Naaalala ko tuloy si Tina Arena. Hindi ko kakalimutan ang bawat salita at pantig ng kanta niya. “Be anyone you want to be, bring to life your fantasy but I want something in return…I want you to burn…burn for me baby…” Siguro kailangan ngang magliyab at mag-ningas ang apoy ng mga pangarap natin. Kailangang maging torch bearer tayo kagaya ng runner tuwing Olympics. Kailangang tumakbo tayo nang tumakbo, mabagal, mabilis, pabilis ng pabilis, pinakamabilis o kahit madapa man ay muli ring babangon. Kailangan muna nating magpakapagod at pagpawisan bago tayo umakyat sa napakataas na tower. At pagkatapos nun, eh isasalin na natin ang maliliit na apoy ng ating mga pangarap upang sindihan ang higanteng torch. Nagbabaga. Nagniningning. Nag-aalab. Kumikinang. At pagkatapos nun, maririning mo ang palakpakan ng libu-libong mga audience sa stadium. Dumadagundong. Parang isang napakatamis na musika sa iyong tainga, na waring nagsasabing “Congratulations, tagumpay ka!”
    #riyel
    Friday, May 7th, 2004
    1:05 pm
    FPJ: I like?
    Deconstructing “FPJ: I like!”

    The recent TV advertisement of FPJ is hip and cool, in as much as it featured people from the young generation as its campaign endorsers, each enumerating the top ten reasons why they like FPJ. Because of its lively script and colorful visuals, the advertisement appeared to attract everyone.

    Ad campaigns are craftily made to become tricky and artful, as to persuade their audience to believe in what they intend to convey. It includes two essential aspects: the manner of communicating, or “how it was said” and the information itself or “what is said.” The hip music, the colorful background and the ad’s nifty style are composed of the former and the script constitutes the latter.

    What this article aims to achieve therefore is to analyze Fernando Poe Jr’s campaign infomercial. This will deconstruct the “TOP TEN REASONS” why they like FPJ.

    Reason 10: “Hindi siya trapo!”
    ‘Trapo’, a shortcut slang term for traditional politicians, those people who made it a habit to run for office. Yes, FPJ is certainly not a trapo, but we should also admit that he has no experience in the field of politics as well.

    Reason 9: “He’s not bolero!”
    Politicians are masters of rhetoric. They are skilled beings superb in speaking florid language so as to persuade people to vote them. The teenage girl is right: “He’s not bolero!” Nonetheless, the problem with FPJ is that, he overly doesn’t speak, to the point that he can’t even explain what his platforms are. When he once asked about his future actions to corrupt politicians, he answered “Dadaan sila sa butas ng karayom!”

    Political script, I guess.

    Reason 8: “Hindi manloloko!”
    Every one of us has a purpose. Writers are ought to write, dancers to dance, politicians to govern and actors to act. No matter how we deny, each of us has his own limitations. We shouldn’t fool ourselves pretending to carry out a responsibility we actually couldn’t.

    Reason 7: “Hindi siya kurakot!”
    As we have said, FPJ has no experience in politics. Because of this, unquestionably, hindi siya kurakot. But how can he safeguard that there would be no corruption if he’ll assume the position if he has no idea about the nitty-gritty details of this government?

    Reason 6: “Hindi madaldal!”
    True.
    FPJ is not madaldal.
    -He avoids interviews.
    -He shuns political debates.
    -He quarrels media reporters.

    Reason 5: “He’s clean!”
    The statement of the boy is quite ambiguous. We don’t know if he talks either of the physical cleanliness or the spiritual side.
    In spite of this, let’s observe the physical cleanliness:
    Are the long sideburns seemed clean for you?
    How about the pidgin English, does it appear to be nice?
    Can you imagine FPJ talking with President Bush?
    I nearly puke upon imagining.

    Reason 4: “Totoo siya!”
    FPJ is true!
    He messed up with the reporter Sandra Aguinaldo, while she’s doing her stand upper, in front of thousands of people.
    He redid his movie stunts with a cameraman, giving him a fist blow while the latter tries to tape him in his campaign.

    Reason 3: “He’s sincere.” (matching with a boy surrounded by throbbing hearts)
    No matter how much a person contains steadfast sincerity in his heart, it will be nothing if he’s not armed with the right abilities to perform a very difficult task.

    Reason 2: “Honest.”
    Liar.

    Reason 1: “Above all, he’s the best!”
    Above all we have mentioned, is he still the best?

    The President of this country is the central representation of its people. On the day that we will decide whom to lead, let us choose someone who embodies the beliefs, virtues and values of the Filipino. Leadership requires more than mere popularity. Let us be guided by the light of discernment on the day of Elections.

    Change our mottos to:
    “Better Philippines: I LIKE!!!”

    #riyel
    -dancing ,singing ,flying err…discerning voter.
    Saturday, May 1st, 2004
    4:26 am
    Wag kang mag-drama!
    WAG KANG MADRAMA, or
    19 thoughts about finding love.

    1. Note: I read one novel in which the protagonist was hopelessly seeking for love, it really annoyed me and thus these thoughts were written

    2. Let’s admit it. Once in our life, in one point or another, we dreamed that someone would fall in love with us.

    3. We constructed deep in our subconsciuousness the image of our ideal girl/guy. And I’m sure all of us pictured him/her as someone whose pretty/handsome. There’s nothing wrong with it, because in dreaming, you should get the best out of hallucinating.

    4. Remember the cliché: “Hope for the best, but expect for the worst.”

    5. Sintomas ng isand desperado: Masyadong mainipin. I’m also sure, everyday, you’re always wishing that he/she would come. Your favorite line: “Sana ngayon na. Bat ang tagal?”

    6. Desperado: “Ba’t ba walang nagkakagusto sa ‘kin?”

    7. More Desperado: “Ba’t ba yung may gusto sa ‘kin, ayaw ko, yung gusto ko, ayaw sa ‘kin?”

    8. Most Desperado: “Kailan ba ako magkaka-lovelife?”

    9. Fishermen’s advice: The more you tend to catch the fish , the more it will swim away from you.

    10. Don’t waste your time looking for someone who won’t arrive. You don’t need someone to be a somebody. You can be a somebody all by yourself.

    11. My advice: Don’t cry and listen to senti songs. It’s too soap operatic. Besides, you’re not going to be discovered in Hollywood.

    12. There is more in life than having a relationship.

    13. There is more in life than daydreaming about a summer romance.

    14. Reflect on this: “Masarap mangarap, masakit masaktan”

    15. Moaning and grumbling all day about a loveless life won’t do anything in you except to turn you ugly.

    16. Face the other facets in life; develop your talents and skills.

    17. Spend more time with your family.

    18. Hang out with friends.

    19. Don’t be too desperate in finding love. It will be given to you at the proper time. And when that moment comes, even if you’re the ugliest person in the world, even if you’re in the grimmest corners of Tawi-tawi or Sulu, the one whose intended for you will come and cross along your way.



    :) #riyel
    4:23 am
    Dream, Believe, Survive!
    Gusto mo bang sumikat?

    Ba’t ba gusto nating sumikat? Tingnan mo yung mga palabas sa tv ngayon, puro mga reality shows! Star struck, star in a million, search for a star, star for a night, star circle quest… puro stars! Mukha ng solar system ang tv, tuwang tuwa pa rin tayo sa panonood ng mga ito. Pila pila ang mga sumasali. Kahit mga pangit, walang pakialaman! Basta maabot lang ang pinapangarap na kasikatan.

    Pero siguro ang stardom, para sa atin ay isang sense of fulfillment. Masarap kasi ang pakiramdam pag hinahangaan ka ng ibang tao. Masarap isipin yung paghanga na binibigay mo sa isang sikat, eh matatanggap mo rin sa oras na maging artista ka. Maraming hihingi ng autograph mo, hahalikan ka, kakamayan ka, sasambahin ka, pagsisilbihan ka. Kulang na lang sila pa ang maglaba ng underwear mo! Mapapansin naman na napaakaraming bisayang fans ang talagang todo suporta sa kanilang idolo. Para bang diyos nila kung ituring ang mga contestants sa mga paligashang ito. May nahihimatay pa, parang nagmimirakulo yung mga idol nila.

    Isa pang sarap ng pagiging artista ay ang pagkakaroon ng maraming maraming kwarta. Aba! Jackpot yata ang kuha mo pag nanalo ka sa mga reality shows na yun. Isa hanggang dalawang milyong piso ang premyo dun! At may kasama pang kontrata sa tv station na yun! Ang swerte swerte talaga. Biro mo, pwede mo ng bilin lahat ng gusto mo nun.. damit, bahay, kotse, celfone na may kamera, alahas at kung ano ano pa.

    Kaya hindi ka na dapat magtaka kung bakit nasisikmura ng mga contestants ang anumang mga bagay na pinapagawa sa kanila- kumanta, sumayaw, umarteng gaya ng aso, pusa at kabayo, umiyak, umakyat ng bundok, maghugas ng tae ng iba, kumain ng daga, palaka at iguana, humiga sa ataol, umakyat sa haunted house. Siguro kapag inutos nilang kumain sila ng apoy o tumulay sa baga, eh go pa rin sila at walang reklamo.

    Kapag sikat ka, masarap ding isipin na dumadami ang mga kakilala mo. Kung dati eh mga anim lang kayong nagsasalo sa noche Buena, ngayon eh mga limampu na. Kung dati ay di ka pinapansin ng mga kapitbahay mo, ngayon eh parang gusto kang i-lips-to-lips. At ang mga schoolmates mo? Aba… parang nadoble ang populasyon ng batch mo.

    “uuyy uyy.. si ano? Kaklase ko yan nung high school!”
    “ah si ano? Eh katabi ko yan nung kinder kami eh”
    “aba… sumali pala dyan ang pamangkin ko ‘no?”

    maraming nagbabalik ng kanilang ala-ala kapag may sumisikat na kakilala. Ang mga snob nagiging friendly. Ang mga distant relatives, naging extended family. Ang schoolmates nagiging friends.

    Nakikisakay sa kasikatan.
    Mga ambisyosa.


    Sa palagay ko, ang dalawang pinakamahalagang bagay na kailangan para sumikat ay ang Talento at ang Karakter. Maaari ngang maganda ang isang artista, o maging matalino man, ngunit kung wala syang talento ay para lang syang bituing walang ningning- nasa itaas ngunit wala naming kinang. Pansinin nyo na lang ang mga fil-american foreigners na nagpupunta dito- lahat sila sumikat lang dahil sa kanilang kagandahan. Pag nakita mo na silang umarte, eh masusuka ka na lang tuwing bibitiwan nila ang mga dialogue nilang liko liko at walang emosyon.

    Kailangan din ng mabuting karakter ang isang artista. May mga tao kasi na kapag sikat na, eh kinakabag sa dami ng hangin sa katawan. Kala mo na kung sino umasta, at parang di na nakakakilala ng mga taong dati’y nakasama nya. Para bang gusto nilang sabihin “O sikat na ako, at ikaw ay pipitsuging audience lang! Lumuhod ka sa harapan ko, halikan mo ang paa ko!” Nakakaawa ang ganitong mga artista. Lalo na kung iisipin mo ang kasabihang “the greater height, the greater resounding.” Sa sobrang taas ng lipad nila, tiyak na pagbagsak nila’y bali-bali, pisak-pisak at durog durog ang mga buto nila sa lupa.

    Of course, figure of speech lang yun.

    Dapat lamang na maganda ang karakter ng isang sikat. Yung tipong kahit lumilipad na ang katawan mo sa langit sa sobrang kasikatan eh nakatuntong pa rin ang mga paa mo sa lupa. Ginagalang mo pa rin ang mga tao, maging mababa man sila sayo. Nagbibigay pasalamat ka sa mga taong tumulong sa’yo. At higit sa lahat, itinuturing mo ang mga fans mo hindi bilang mga langgam na sumasamba sa’yo, ngunit mga balahibong bumubuo sayong mga pakpak para maka-agpas ka sa rurok ng tagumpay.


    Marami na akong nasabi, kaya tatapusin ko na.


    Ang stardom, hindi madaling makamit. Kailangang magdaan ang isang tao sa matinding hirap. Ang isang bituin, kaya maningning ang kinang, ay dahil iba sya sa lahat. Iba siya sa lahat sapagkat meron syang katangi tanging ganda at talentong maipagmamalaki. Masakit man ang katotohanan, kailangan nating tanggapin na hindi lahat maaring maging artista. Hindi lahat ay magiging “IN” sa larangang ito. Sabi nga ni Boy Abunda, “showbiz is not everything.” Pinagkalooban tayo ng iba’t ibang talento sa iba’t ibang paraan, kailangan lang natin hanapin kung sang direksyon tayo
    magtatagumpay. Just learn to dream, believe and survive.


    #
    4:19 am
    INVICTUS
    INVICTUS
    Note: this essay is a product of jezriel’s kabaliwan one night when he MISSED to watch Marina. He really freaked out, and so these thoughts were written.

    When I was a kid, there were only three things that I wanted to be.

    First was to become a fireman. I dreamt of being such because I liked to wear the coat and helmet the way they did. I also imagined myself sleeping in the headquarters, then suddenly the alarm would bellow, and I would quickly descend through the ‘magic poste,’ (in case you don’t know, its the steel bar that they used during emergencies, instead of the stairs.)

    Second was to become a cashier. I knew its really weird, but I like the manner of pressing the cash register machine and shooting each product with the red light of the magic gun. (I swear, the first time I saw it in SM, I cried because I couldn’t buy that one!)

    And lastly, to become a doctor. I can’t understand why almost all of my playmates also desired to be one. Whenever I watched Eat Bulaga, all contestants that had asked what were their ambitions would answer, “To become a doctor.”

    But as I grew up, I realized that not all people could be what they wanted when they were still children.

    When one look at the newspaper, these are the swarms of classified ads that he would stumble upon:

    WANTED: Yaya. Must learn how to cook, wash and iron clothes.
    WANTED: Security Guard.
    WANTED: GRO. Must be sexy, with pleasing personality.

    I’m sure nobody would want these jobs when one was still a kid.

    But because of poverty, dreams were shattered and hopes turned into despair. Hunger had restrained us from achieving our ambition, of fulfilling our dreams. Hunger taught us to become practical.

    “LET US BE PRACTICAL”. This is a sentence that I despised. It seemed euphemizing the idea of leaving your dreams behind and to face the ‘reality’.

    When one look at the newspaper, these are the swarms of classified ads that one would also stumble upon:

    WANTED: Call Center Representatives
    WANTED: Accountants
    WANTED: Nurses, Nurses, Nurses, Nurses and more Nurses!


    HUNGER. People are always afraid of getting hungry, without knowing that it’s not only the stomach that needs food. The mind starves for food. The heart does. And most of all, the soul does.

    That’s why I can’t help but pity those people who were stuck on jobs that they don’t like.

    And jeer at people who let their parents drive their cars, sitting at the backseat not knowing where will they go, deliberately submitting themselves without hesitations.

    How I wish that these were the classified ads that we could see on the newspapers instead of those:

    WANTED: poets
    WANTED: persons with good criticizing skills
    WANTED: painters
    WANTED: philosophers

    Someone asked me why did I take a degree with low employment demands.

    Well, I simply took a communication course for the sake of communicating itself. Nurses can cure physical ailments, accountants may solve business problems, engineers can invent new tools but only writers can speak to the human soul.

    Confucius one said that “you should choose a job you love and you will never have to work a day in your life.”

    Dreams will always be dreams if one wouldn’t take any action. But an action must be directed into a clear goal. One should KNOW what he really wants to be. After all, as the poem once said, we are “the master of our fate, the captain of our soul”.
    #
    3:59 am
    si DUGONG at ang konsepto ng pagmamahal
    Note: I’m sleepless, I’m restless, I’m fidgety and I’m under a mighty influence of extreme stupidity.

    Si Dugong at ang konsepto ng pagmamahal

    Ang daming may bf. Ang daming may gf.
    Milyon-milyon ang mag-asawa, libo-libo ang magsyota.
    Pero ilan kaya ang may theme song na “T.L. ako sa’yo?”
    At gaano kaya karami ang may pusong Orocan?

    Ang dami nang articles sa mga magazines tungkol sa love.
    Siksik na siksik ang mga school papers ng love poems at stories.
    Nagkalat ang cheap na pocketbooks sa bangketa.
    Sumikat at nalaos na sa kaka-advise si Joe d’ Mango.
    Pero ang dami pa ring tatanga-tanga sa mundo.
    Siguro kaya nag-eexists ang sandamakmak na articles na ito.
    Eh para gisingin at kulitin tayo.
    Hanggang sa mauntog tayo sa pader.
    At eto, again and again;
    May mag-ttry na naman.


    ‘Pag nagtanong ka sa isang tao kung bakit love niya ang bf/gf niya, eh eto ang posibleng isasagot ng mga ungas:

    “Mahal ko siya kasi… maganda siya”

    Paano kung natapunan siya ng muriatic acid sa mukha?
    Paano pag nahulog siya sa manhole at na-deform ang mukha nya?
    Paano kung dati palang lalake yung gf mo?
    Mamahalin mo pa kaya siya?


    Kung magmamahal ka sa isang tao:
    Ibigin mo sya dahil sa pag-ibig mismo, hindi dahil sa beauty queen o superman appeal niya.


    Eto pa, galing sa isa pang ewan:

    “Mahal ko siya dahil… mabait siya”

    Paano kung naging kasing-taray siya ni Cherrie Gil ?
    Paano kung malakas pala siya manampal katulad ni Celia Rodriguez?
    Paano kung kasing-sama pala siya ni Dugong?
    Mamahalin mo pa kaya siya?’


    Kung magmamahal ka sa isang tao:
    Ibigin mo sya dahil sa pag-ibig mismo, hindi dahil sa venerated siya sa Vatican.


    Konti na lang ang ganito ngayon, pero nakakainis pa rin:

    “Mahal ko siya dahil… sosyal siya”

    Paano kung nasunog ang bahay nila, at sampung piso lang ang nasa bulsa nya?
    Paano kung tindera lang pala siya ng alimasag at kukomo sa palengke, at mukha lang pala siyang mayaman?
    Paano kung idol niya pala sina Mystica at April boy?
    Paano kung may halitosis at putok pala siya?
    Mamahalin mo pa kaya siya?


    Kung magmamahal ka sa isang tao:
    Ibigin mo sya dahil sa pag-ibig mismo, hindi dahil sa pag-ka Amor Powers ng kilos nya.


    Eto naman, nagpapaka-bayani:

    “Mahal ko siya, kasi… na-aawa ako sa kanya”

    Paano kapag pagod ka nang maawa, at obsessed na siya sayo, pero wala ka pa ring feelings para sa kanya?
    Paano kung dumating na ang mr./ms. right sa buhay mo, pero ayaw ka nang pakawalan ng taong ‘kinakakaawaan’ mo?
    Magiging masaya ka kaya sa piling nya, dahil sa ‘awa’ mo?


    Kung magmamahal ka sa isang tao:.
    Ibigin mo sya dahil sa pag-ibig mismo, hindi dahil sa corporal acts of mercy mo.


    Simple lang naman ang dapat isagot eh:

    “MAHAL ko siya dahil MAHAL ko siya.”


    Swak na swak!
    Kung magmamahal ka sa isang tao, mahalin mo siya dahil ginusto mong mahalin sya.
    Ibigin mo sya dahil sa pag-ibig mismo, hindi dahil sa iba pang dahilan.
    Love begets Love ‘ika nga.

    Kung ganito ang approach mo sa pagmamahal, siguradong magiging masaya ka.


    “Thou mayst love on, through love’s eternity”
    -sonnet 14, by Elizabeth Barett Browning
    Thursday, April 29th, 2004
    5:51 am
    Biyaheng Recto. Biyaheng Monumento. Biyaheng Langit
    Biyaheng Monumento. Biyaheng Recto. Biyaheng Langit.
    Note: Medyo seryoso ang tema ng essay na ito. Patnubay ni nanay ay kailangan.


    PROLEGOMENA:

    Guessing game:
    · “Anong bagay ang mas Masarap gawin kung mas matagal ?”

    · “Anong bagay ang mas masarap kung mas mahaba ito ?”

    Oo, double meaning. Oo, medyo nakaka-offend ang title.
    At Oo, medyo MATAGAL itong basahin dahil medyo MAHABA ang article na ito.
    Pero alam ko, nakaka-curious itong basahin. Lahat naman tayo eh, makarinig lang ng salitang sex, eh parang bulating binudburan ng asin ang reaksyon. Kaya nga binabasa mo na ngayon ‘to eh. Kitams?

    Simulan na natin ang kwento.

    Nung baby pa lang ako, wala akong pakialam sa mundo. Umiikot ang buhay ko sa duyan. Ang trabaho ko lang ay matulog, dumede, mag-pee-pee at mag-poo-poo. Ang tanging senyas ko lang sa mga magulang ko para magpa-KSP ay isang malakas at dumadagundong na:

    “Uuunggaaahhh!!!! Unnnnggaaahh!!!”

    Unti unti, natutunan kong dumapa, tumayo, gumapang, lumakad. Higit sa lahat, natutunan ko ring mag-isip. Kasama na doon ang pagmamasid sa paligid at ang pagtatanong.

    “Mommy, Saan ba ako nanggaling?”

    Ang tanging kwento lang sa ‘kin ng mommy ko, eh galing ako sa tiyan nya. Kung paano ako ginawa, hindi ko alam. Kung bakit dun ako nanggaling, ewan ko.

    ‘Yun lang ang naaalala ko.

    Nung grade 2 ako, akala ko nagkakaroon ng baby sa tiyan ng mga nanay pag nag-kiss sina mommy at daddy sa lips. Akala ko ganun lang kasimple. Isang kiss, isang baby. ‘Pag kambal, ibig sabihin dalawang kiss.

    Natakot pa nga ako isang araw ng hinalikan ako ng isa kong classmate. Nagalit ako sa kanya. Kinabahan talaga ako nun. Ayoko pang magka-baby. Ayoko pang tawagin akong daddy!!!! Umiyak talaga ako pagdating sa bahay.

    ‘Yun lang ang naaalala ko.

    Nung grade 4 na ako, sa science book namin, may mga naka-drawing na systems of the body. Na-discuss namin ang lahat, maliban lang sa isang parte: ANG REPRODUCTIVE SYSTEM.

    Nagtaka ako kung bakit hindi isinama ng teacher ko sa lecture namin ang chapter ng librong yun. At mas nagtataka ako kung bakit REPRODUCTIVE SYSTEM ang tawag sa nakadrawing doong ‘bird’ ng boy at ‘flower’ ng girl.

    Ang alam ko lang, eh daanan yun ng peepee ko. Tiningnan ko ang meaning ng “reproductive” sa dictionary.

    re·pro·duc·tive [rprə dúktiv]
    adj involving production of new organisms: relating to, taking part in, or enabling the production of new offspring or individuals

    Kahit tingnan ko man ang word na ‘reproductive’ sa iba’t ibang diksyunaryo, eh ganun pa rin ang meaning lumalabas: PRODUCTION OF NEW OFFSPRING.

    Hindi ko talaga maintindihan. Kahit pag-sirku-sirkuhin ko man ang lahat ng nilalaman ng utak ko, eh ‘di ko talaga ma-gets kung bakit involve ang ‘birds’ at ‘flowers’ sa production ng new offspring. Isang malaking misteryo yun sa akin.

    Yun lang ang naaalala ko.

    Grade 6. Isang kagimbal-gimbal na sandali ng buhay ko. Simple lang naman ang takbo ng araw nun, gumising ng maaga, nagpunta sa school, umuwi ng bahay.

    Pagbaba ko ng traysikel eh tinawag ako ng mga kalaro kong naghihintay sa akin sa may gate.

    “Hoy! Magbihis ka bilisan mo! May papanoorin tayong VHS!”

    Akala ko, Disney cartoon ang papanoorin namin.
    Hindi pala.

    Oo, matalino ka na. Alam kong alam mo na kung ano ang pinanood namin.

    Alam ko, ikaw din, kagaya ko, nakapanood ka na rin ‘nun.

    At oo, alam ko, na-shock ka rin sa mga nakita mo.

    Ganun pala ‘yun ano?”

    Nang-hina ako.

    Nasagot na ang misteryong bumabagabag sa isipan ko.

    Nakakagulat. Out of this world.

    Gusto ko sumigaw, pero shocked pa rin ako.

    ‘Yun pala ang silbi ng ‘tweet tweet’ ko.

    Naaalala ko tuloy yung kanta nung kinder ako.

    “Kitty kitty meow! Kitty, kitty meow! Kitty, kitty, moew! meow! meow!”
    “Birdy, birdy tweet! Birdy, Birdy tweet! Birdy, Birdy tweet! tweet! tweet!”

    Wala na ulit akong naaalala.


    Chapter 2

    College na ako.
    Kahit papano, alam ko na kung paano umiikot ang mundo-
    At ang Kamunduhan.

    Napanood ko na ang Basa sa Dagat, Machete 1 and 2, Patikim ng Pinya, Scorpion Nights, Talong, Kangkong, Itlog, Bakat at kung ano ano pang pito-pito films.

    Napanood ko na ang Dumaguete Scandal, Surigao Scandal, Zamboanga Scandal, La Salle Scandal, Ateneo Scandal at pati AMA Scandal, pinatulan ko na rin.

    Nabasa ko na ang librong Kama Sutra sa library.

    Nakapanood na ako ng X FILM tuwing Friday, 12:30 ng madaling araw sa WOWOW channel 49.

    Nakapagbasa na ako ng Tiktik, Remate, Bulgar, Abante, Abante Tonite at Boso.
    (Ok, lahat na ng tabloid binili ko, except sa wholesome na Tempo, Balita at People’s Tonight!)

    Napag-nasaan ko na sina Rosanna Roces, Sabrina M, Criselda Volks, Natasha Ledesma, Aya Medel, Ara Mina, Nini Jacinto, Juliana Palermo at Franzine Prietto.

    Ngayon, ang tanong ko naman:

    Sa edad kong 17, ok lang bang tikman na ang ‘bagay’ na yun?

    Chapter 3:

    ANG MASARAP NA CLIMAX

    “Ooooohhhhhh……..!!!!!”


    Hindi yun ungol. Envious sigh ‘yan, kasi nakakainggit yung ibang kaibigan ko, may mga girlfriend na kasi sila. (Obvious bang virgin pa ako?) At halos lahat sa kanila, eh nagawa na ang lahat ng 69 positions sa Kama Sutra. Syempre kasama na rin ang sikat na helicopter style, na wala dun. 70 positions lahat bali.

    “Kung mahal mo ako, ibibigay mo sa akin ang virginity mo,” Ito ang madalas na ipinang- eemotional blackmail ng mga kabarkada ko para maka-iskor sila sa mga syota nila.

    Pero kung iisipin mo, parang napaka-selfish naman ng ganon. Pipilitin mo yung girlfriend mo na gawin nya ang isang bagay na ayaw nyang gawin. Wala akong balak magmalinis dahil lahat naman tayo eh tao. Sa ayaw man natin o hindi, eh tinatawag din tayo ng bugso ng ‘ka-elyahan.’ Sabi nga ng isang philosopher (na sa tingin ko ay ma-L din!):

    “Anyone who does not crave for sex, is not human”

    Pero sa point of view ko (naka naks!), isang baluktot na pangangatwitran ang pagmamahal kapalit ng pagbibigay ng sarili sa ka-relasyon mo. Kung iisipin, hindi ba kawalang pagmamahal ‘yun sa parte ng lalake, dahil inaabuso niya ang babae para lang makapagparaos ito sa kanya?

    Sa panahon ngayon na liberal na tayong mga kabataan, hindi mapagkaka-ila ang mga relasyong ‘casual sex’ lang- ang pagsisiping na walang halong emotional investment. ‘Yun bang ‘pure out of Lust’ lang ‘ika nga.

    “YOU’RE ONE HELL OF A BITCH!!!”

    Bitch. Aso. Pansinin mo ang mga asong kalye. Pag na-iihi sila, itataas lang nila ang paa nila, kuntento na at nangi-ngisayngisay pa. Pag-tatae, eh kahit saan na lang sila abutan at ikakalat lang nila ang mga ginintuang butil sa daan.

    At kapag gagawa na sila ng kanilang mga tuta, eh walang kiyeme kiyeme. Pag inabutan sila ng init sa gitna ng kalsada, eh wala ng makakapigil pa sa kanila. Hahakbangan lang ng lalakeng aso ang babaeng aso, then shoot it baby! Solve!

    Ewan ko ba, pero ang dating boring na values education teacher namin eh may silbi na sa pagsusulat ko ngayon: naaalala ko kasi yung sinabi nya nung 4th year high school kami.

    “Animals do everything out of pure instinct.”

    Yun ang pinagka-iba natin sa lebel ng mga hayop. Binigyan tayo ng utak para mag-isip.
    May intellect and will ‘ika nga. At kung hindi na gumagana ang intellect and will dahil sa sobrang ka-elyahan, eh sisigawan pa ulit tayo ni conscience.

    Siguro sapat na ‘yun para i-pambara sa mga mahilig sa casual sex.

    Hindi ako pumapanig sa sex after marriage, pero hindi rin naman ako tumututol sa pre-marital sex. Ang gusto ko lang sabihin, eh dapat nating gawin ang ‘bagay’ na yun dahil ginusto natin, hindi para sa ibang tao, kung hindi para sa ating sarili.

    Sabi nga ng boring kong teacher sa values education nung 4th year highschool:

    “There is a time for everything”
    “There is a time for making love, and a time for not making love.”
    Oo, plagiarized yun, kasi, kinuha nya lang yun sa Ecclesiastes 3:1-15
    (uuuyyy… hahanapin nya yan mamaya…)

    MATURED. Yun ang right word! Dapat ay matured na tayo kung gusto nating gawin ang ‘bagay’ na yun. Ikaw lalake, handa ka bang panagutan ang mga ginawa mo? Papakasalan mo ba ang babae pag nabuntis? Ikaw babae, handa ka bang mabuntis? Ready ka ba na magpakasal? Kaya nyo na bang pakainin ang mga sarili nyo? Eh yung mga magiging anak nyo? Ready rin ba kayo kung sakaling may gonorrhea, syphilis, kuto sa tweet tweet, garapata sa meow meow o HIV/AIDS yung partner mo?

    Kung hindi pa, sure ako ng 99.9 PERCENT na WALA KANG KARAPATANG MAKIPAG-DO sa kanya. Sabi nga ng sirang plakang cliché “You must be ready to face the consequences of your actions.” Para ka na ring tumalon sa eroplano nang walang parachute kung yun ang gagawin mo.

    Eh anong tawag sa tumatalon sa eroplano ng walang parachute ?
    Ano pa? Eh di Tanga. Engot. Bobito.
    (Sa mga walang utak: gumamit po ako ng methapor…. Ha? Huh? Ano meaning ng metaphor? Amp! ^%$#&$!! pala ‘to eh!)


    EPILEGOMENA:

    May isang tao na nagngangalang Anonymous (hehe.. joke lang) na minsang nagsabing:
    “SEX IS LIKE A PLAYING VIOLIN.”
    Oo, tama sya, dahil inii-stroke ng fiddler ang mga strings ng violin upang ilabas nito ang napakatamis na musika. Gayon din ang violin, ipinapasok nya ang kanyang kaluluwa sa
    puso ng fiddler para sila’y magtagpo, magniig at gumawa ng isang napakagandang harmonya.

    Gaya ng pag-iibigan, kailangan din ng kapwa panig ang matinding pagtatagpo, pagniniig at paggawa ng isang napakatamis na musika. Sabi pa nga ulit ni Anonymous eh “Sex requires a meeting of soul to soul.” Hindi mararanasan ng isang tao ang tunay na kahulugan ng seks kung pisikal na pangangailangan lamang ang hinahanap niya.

    “Sex is the deepest expression of love and submission of his total being to the other being.”

    Liberal na nga ang buong mundo. Liberated na tayong mga kabataan. Ngunit hindi ibig sabihin na dahil marami na sa atin ang nagtry ng sex, eh kailangan na rin tayong makisabay sa bandwagon na ito. Common sense lang, dahil sumasakay naman tayo sa jeep nang alam natin kung saang biyahe ito tumutungo. Wag tayong sumakay (o.. wag kang greenminded!) sa isang bagay na hindi man lang natin nalalaman kung saan nito tayo dadalhin. Ang Recto, may Letre. Ang Monumento, may Acacia. Ang Ayala, may Cubao. Biyaheng Langit man, baka sa sobrang sarap eh makatulog ka at hindi ka na makababa sa dapat mong babaan. Hindi mo man lang namalayan na nakalagpas ka na at nasa impyerno na ang jeep mo.

    PS:

    I challenge you!
    Try mo ngang isigaw ito with feelings:

    “Ohhh… Ohh….Ohhh…yeeeaaahhh…yeahhh …I’m coming… I’m comin’!!!.”


    Tapos na!….
    Ang article. pagod ka na ba?
    Hikab ko yung nasa itaas. Green minded ka talaga.
    I’m coming to sleep. Inaantok na kasi ako.
    Gusto mo pa ng isang round?
    Next time, ibang position naman.
    Este, topic pala.




    #riyel
About LiveJournal.com

Advertisement